-- Advertisements --
CAUAYAN CITY- Tinututukan ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA ang kalagayan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa South Korea dahil sa pagtama ng dalawang malalakas na bagyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay OWWA Administrator Atty. Hans Leo Cacdac, sinabi niya na iminomonitor nila ngayon ang mga OFWs sa naturang bansa at nabigyan na rin ng abiso.
Sa ngayon aniya ay wala pa namang ulat na may mga lumilikas subalit nagsasagawa na ng mga safety precautions.
Ayon kay Atty. Cacdac, aabot sa 60,000 ang OFWs sa naturang bansa.