LEGAZPI CITY – Handa na ang ipapamudmod na welfare assistance ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga OFWs na naapektuhan ng Bagyong Tisoy sa Bicol.
Ayon kay Rowena Alzaga, tagapagsalita ng OWWA-Bicol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, mandato ng tanggapan ang tumulong sa mga miyembro sa anumang kalamidad o crisis situation.
Unang maaabutan ng tulong ang Sorsogon dahil sumasailalim pa sa verification and validation ang Albay at Camarines Sur na pawang nasa ilalim ng state of calamity.
Makakatanggap aniya ng P3,000 ang bawat OFW na aktibo ang membership sa OWWA sa loob ng dalawang taon.
Batay sa tala, nasa 33,819 na OFW angn identified OWWA active members kung saan higit 5,000 sa Sorsogon; 11,000 sa Albay habang 17,000 sa Camarines Sur.