-- Advertisements --

Inaprubahan na rin sa United Kingdom (UK) ang ikalawang coronavirus vaccine na Oxford University/AstraZeneca.

Noong nakaraang linggo ang UK ang unang bansa sa buong mundo na nagpatupad ng massive vaccination sa kanilang mamamayan gamit ang Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine.

Inanunsyo ngayon ng UK government na binigyan na ng otorisasyon ng kanilang Medicines and Healthcare Products Regulatory Agency (MHRA) ang Oxford University/AstraZeneca COVID-19 vaccine matapos sumailalim sa masusing clinical trials at mga pag-analisa ng mga eksperto.

Vaccine Astrazeneca COVID
Lab testing by drugmaker AstraZeneca

Ayon pa sa statement, pumasa ang AztraZeneca sa “strict standards of safety, quality and effectiveness.”

Agad namang nagbuny si UK Health Secretary Matt Hancock at nagsabi na ang rollout ng bagong bakuna ay magsisimula na sa January 4 sa bagong taon.

Ang UK ay una nang nag-order ng 100 million doses mula sa manufacturer na AstraZeneca na kaya magbakuna sa 50 million katao sa UK.

Bago ito nangako ang AstraZeneca na magsusuplay sila ng hundreds of millions ng doses ng bakuna sa mga low at middle-income countries na hindi nila pagkakakitaan.

Sinasabing ang Oxford/AstraZeneca vaccine ay ang pinakamura at madaling ibiyahe sa mga mahihirap na bansa.

Kaya rin itong itago sa refrigerator na ang temperatura ay aabot lamang sa 2 degrees hanggang 8 degrees Celsius (36 to 46 degrees Fahrenheit) sa loob ng anim na buwan.

Kung maaalala ang Moderna vaccine sa Amerika ay aabutin ng minus 20 degrees Celsius cold storage (minus 4 degrees Fahrenheit) at pupuwede ng hanggang isang buwan habang ang Pfizer/BioNTech vaccine ay mas maselan na aabot sa minus 75 degrees Celsius ang storage at dapat gamitin agad sa loob ng ng limang araw.

Kung maalala ilang linggo na ang nakalipas ay pumirma na ang ilang kinatawan ng gobyerno ng Pilipinas at pribadong sektor para mag-order din sa Oxford/AstraZeneca ng inisyal na 2.5 million doses.

Lumutang din ang impormasyon na aabot lamang sa katumbas na halos P600 ang dalawang doses ng AstraZeneca.