ILOILO CITY – Ipinag-utos ng Delhi High Court na imbestigahan ang nangyayaring bentahan ng oxygen cylinders at mga gamot sa COVID-19 sa India.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Abhishek Kumar, isang engineer sa New Delhi, sinabi nito na mismong si Indian Solicitor General Tushar Mehta ang nag-utos sa Delhi government na i-takeover ang planta ng oxygen refiller na ‘Seth Air’ dahil sa hindi pag-supply ng oxygen sa mga ospital at pagbebenta diumano nito sa black market.
Ayon kay Kumar, duda ang mga otoridad na may nangyayaring iligal na transaksyon sa bentahan ng oxygen sa India.
Anya, palaisipan kung bakit ang Seth Air ay hindi napasala sa listahan ng mga refillers na inilabas ng Delhi government kahit na ito ang isa sa pinakamalaking supplier ng oxygen sa bansa.