-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magtatayo ng sariling oxygen generating plant ang West Visayas State University Medical Center sa Iloilo City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Diosdado Margo, spokesperson ng nasabing ospital, sinabi nito na ang nasabing hakbang ang nakikita nilang solusyon upang maging independent ang ospital sa oxygen supply.

Ayon kay Amargo, bahagi ito ng kanilang preparasyon sa gitna ng kakulangan ng medical oxygen sa mga ospital sa Western Visayas.

Napag-alaman na sa maliban sa kinukulang na ang mga oxygen tanks, puno na rin ang mga COVID-19 beds sa mga ospital sa Iloilo City.