-- Advertisements --

Muling magsasama sina Ozzy Osbourne at banda nitong Black Sabbath para sa kanilang finals show.

Ayon sa grupo na gaganapin ang kanilang fund-raising concert sa Birmingham sa Hulyo 5 ngayong taon.

Kasama rin sila sa isang araw na festival sa Villa Park na pinangungunahan ng mga sikat na banda gaya ng Metallica, Pantera, Slayer, Gojira at Anthrax.

Ang nasabing konsiyerto ay siyang unang pagkakataon magkakasama ang original line-up.

Kinabibilangan nina Ozzy Osbourne, Tony Lommi, Geezer Butler at Bill Ward.

Bago tumugtog ang banda ay magsasagawa muna ng solo show si Osbourne.

Huminto sa pagsasagawa ng tour si Osbourne dahil sa kaniyang sakit na pinagsamang Parkinson’s at spinal injuries.

Kinumpirma rin ng asawa nitong si Sharon na ito na ang final show ng 76-anyos na legend.

Nabuo ang Black Sabbath noong 1968 kung saan isinagawa ang kanilang unang rehearsal sa Newtowon Community Center.

Ilan sa mga pinasikat nilang kanta ay ang “War Pigs”, “N.I.B” at “Black Sabbath”.

Nagsagawa na sila ng farewell show noong 2017 sa isang sold out show na may 16,000 katao sa NEC Arena.