-- Advertisements --

CENTRAL MINDSANAO-Upang matulungan ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa probinsya na mabigyan ng dagdag pagkakakitaan, nagsagawa ng skills training program ang pamahalaang panlalawigan batay na rin sa layunin ng kasalukuyang administrasyon sa pamumuno ni Governor Emmylou “Lala” J. Taliรฑo-Mendoza.

Abot sa 36 na mga PWDs ang sumailalim sa pagsasanay sa paggawa ng siomai, fishball at kwek-kwek sa isinasagawang 2-day skills training on food processing sa mga benepisyaryo ngayong araw ng Lunes hanggang Martes December 12-13, 2022 sa TESDA Provincial Office, Amas, Kidapawan City.

Personal namang binisita ng gobernadora ang mga partisipante at nagpaabot ng mensahe ng inspirasyon at pag-asa na maging matatag sa lahat ng kanilang laban sa buhay at sinigurong kasama nila ang pamahalaang panlalawigan sa pagsulong ng kanilang kapakanan.

Tatanggap din ang nasabing mga benepisyaryo ng mga livelihood starter kits bukas na naglalaman ng iba’t ibang kagamitan para sa gagawing food processing business.

Pinangangasiwaan ang naturang aktibidad ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na pinangunahan ni PSWD Officer Arlene Timson, RSW katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pamumuno ni Provincial Director Noraya A. Acas.

Dinaluhan naman nina 3rd district Board Members Ivy Martia Lei C. Dalumpines-Ballitoc at Joemar S. Cerebo at Ex-Officio Board Member Phipps T. Bilbao ang nasabing aktibidad.