Ipinamahagi ng National Irrigation Administration sa isang grupo ng mga magsasaka sa probinsya ng Catanduanes ang aabot sa P25M na halaga ng mga proyektong pang-agrikultura.
Tinukoy ang naturang grupo na Tibolisay Irrigators Association, Inc.
Ito ay tinatawag na Timbaan Communal Irrigation Project na pinondohan sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program- Irrigation Component habang ang National Irrigation Administration ang nanguna sa implementasyon .
Ang mga proyektong ito ay matatagpuan sa barangay Timbaan, San Andres, Catanduanes.
Nanguna sa turnover ng proyekto ang si NIA Bicol Regional Manager, Engr. Gaudencio M. Devera at ilang opisyal ng lalawigan.
Sa isang pahayag, sinabi ni De Vera, mandato ng kanilang ahensya na makapag bigay ng reliable na irrigation projects sa lahat ng mga magsasaka sa bansa.
Ito ay bilang suporta na rin National Government’s Sustainable Development Goals at 7-point strategic agenda ni NIA Administrator Eduardo Eddie G. Guillen.
Samantala, inaasahan naman aabot sa higit 60 na mga magsasaka sa naturang lalawigan ang mabebenepisyuhan ng aabot sa 54 ektaryang service area.