-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang P.3 variant ay hindi pa itinuturing na variant ng COVID-19.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na wala pa silang hawak na datos na nagpapatunay na ito ay isang variant na ikinakabahala ng bansa.

Hindi pa rin aniya sapat ang mga data para masabi na ito ay isang uri ng variant na may epekto sa kalusugan ng marami.

Isinumite na nila ang kanilang pag-aaral sa ibang bansa para malaman kung anong uri ng ng variant ito.

Magugunitang noong Marso 20 ay iniulat ng DOH, kasama ang University of the Philippines – Philipine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institute of Healht ang bagong 46 na karagdagang kaso ng B.1.1.7 variant cases, 62 panibagong B.1.351 variant cases at anim na P.3 variant cases na kasama sa pang-11th batch ng specimens para sa Whole Genome Sequencing (WGS).