BUTUAN CITY – Mahigit sa kalahating milyong pisong halaga ng mga construction materials ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Field Unit-13 mula sa isang establisamiento sa bayan ng General Luna, Siargao Isand, lalawigan ng Surigao del Norte dahil sa sobrang taas ng presyo ng mga ito.
Isinagawa ang raid dakong alas-kwatro ng nakaraang hapon matapos inireklamo ng mga kliyente dahil sa sobrang mahal ng presyo sa iilan ng kanilang mga tinda sa kabila ng umiiral ngayong prize freeze matapos isina-ilalim sa state of calamity ni Pangulong Duterte ang buong Caraga Region dahil sa bagyong Odette.
Kasama sa mga nakumpiska ang 1,040 na mga galvanized iron roofing namay iba’t ibang sizes, 30 boxes ng mga umbrella nails at limang mga plain zine roller.
Inihanda na ang kasong isasampa laban sa may-ari ng naturang establisamiento,