Papanindigan umano ni Lea Salonga ang mga naging pahayag nito kaugnay ng pagkadismaya dahil sa mga nangyayari sa Pilipinas.
Kabilang dito ang Anti-Terror Bill na kanyang inalmahan, gayundin ang rape culture matapos payuhan ng police station ang umano’y maayos daw na pananamit dapat ng mga kababaihan, at ang hindi pa natatapos na coronavirus pandemic.
Kung maaalala, umani ng batikos at papuri ang kontrobersyal na one-liner Facebook post ni Salonga kung saan mahirap aniya mahalin ang bansa kalakip ang uri ng pagmumura.
“Dear Pilipinas, p***** ina, ang hirap mong mahalin.”
Bagama’t burado na ang naturang post, lumitaw muli ang mga nakapag-screenshot nito pero giit na Broadway superstar, hindi niya intensyon na isumpa ang bansa dahil siya mismo ay Pilipino.
Paliwanag pa ng 49-year-old Tony Award-winning actress/singer, wala siyang direktang tinukoy kung napamura man siya na isang expression lang.
“To further clarify, I didn’t say p- i- mo, or p- i- ka. If that was what I meant, I would’ve been explicit in my expression. My p- i- was aimed at no one in particular, and was used only as an outburst, a cry. My apologies if I hurt your feelings with my choice of words,” dagdag nito.
Hangad daw ni Lea na matapos na ang pagbibigay malisya sa kanyang maiksing expression, pero wala na ring balak pumatol kung magpapatuloy sa pag-atake ang kanyang mga kritiko.