-- Advertisements --
ROXAS CITY – Hindi halos maramdaman ng mga tsuper ng pampublikong mga sasakyan ang P1.00 na dagdag pamasahe na ipatutupad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa lalawigan ng Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mr. Joebert Carandang, Presidente ng PISTON Capiz, sinabi nito na parang walang pinagbago sa kita ng mga tsuper dahil sa walang humpay na pagtaas ng mga produktong petrolyo.
Ang nasabing dagdag singil sa pamasahe ay ipapatupad sa Oktobre 8, ngayung taon.
Hiling ng PISTON Capiz sa gobyerno na suspendihin ang excise tax.
Samantala muling pinaalala ni Carandang ang mga drivers na ipatupad ang 20% discount sa mga estudyante, senior citizen at may mga kapansanan o PWD’s.