-- Advertisements --

Aabot sa P1.1 bilyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawa nilang anti-drug operation sa isang bahay sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City.

Naaresto rin sa operasyon ang apat na Chinese na pinaniniwalaang nasa likod ng nasabign pagbebenta ng nasabing droga.

Kinilala ang mga ito na sina Chia Kian Kok,Wuyi, Go Kei Kei at isang Emmanuel Pascual.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na aabot sa 149 kilos ang nasabing nakumpiskang droga sa lugar na ginagawa nilang shabu laboratory.

Dagdag pa nito na inilalagay sa lata ng biscuits ang nasabing droga.

Kaparehas din ito ng mga nakumpiska mula sa bansang Thailand, Vietnam, Laos at Myanmar.