-- Advertisements --

Mahigit P1.1 bilyong ang halaga ng pinsala ang naitala sa sektor ng agrikultura at imprastraktura dahil sa nagdaang bagyong Jolina.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa P1,059,263,164.84 ang naitalang pinsala sa agrikultura sa mga Rehiyon ng Central Luzon, Calabarzon. Mimaropa, Bicol, Western at Eastern Visayas.

Habang nasa P63,456,053 naman ang naitalang pinsala sa imprastraktura sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol at Western Visayas.

Aabot naman sa 11 mga kalsada at isang tulay ang hindi pa rin madaanan sa mga lugar ng Central Luzon, CALABARZON, Bicol, Cordillera at NCR.

Iniulat din ng NDRRMC na 15,790 na mga kabahayan ang napinsala ng bagyo kung saan ay 15,190 dito ang partially damaged habang 600 naman ang lubhang nawasak.