Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P1.1-milyong halaga ng marijuana sa Port of Clark sa Pampanga.
Ayon sa BOC, natuklasan ang iligal na droga sa loob ng shipment na idineklarang “coffee T-shirt bookbag” mula California, na dumating sa bansa noong Setyembre 8.
Sa isinagawang inspeksyon, tumambad sa customs examiner ang tatlong pakete ng coffee beans na may lamang marijuana.
“The shipment was subjected to K-9 sniffing and samples were taken for the conduct of laboratory testing and chemical analysis, which confirmed positive result for the presence of marijuana,” saad ng BOC.
Agad namang itinurn-over sa Philippine Drug Enforcement Agency ang naturang ipinagbabawal na gamot.
Ito rin umano ang ika-19 shipment ng droga na nasabat ng ahensya.