NAGA CITY – Mahigit P1 million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa ginawang anti-illegal drug operation sa Barangay Abella, Naga City.
Sa naturang operasyon, arestado ang mga suspek na sina Guny Sortido, 39; Ruel Sortido, 35, at Vanessa Atlar, 32, pawang mga taga lungsod ng Naga.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), nabatid na pasado alas-12:00 kaninang madaling araw ng isagawa ang operasyon.
Una nang nakabili ang puseur-buyer ng 5 grams ng shabu sa mga suspek na nagkakahalaga ng P12,000.
Maliban dito, nasa limang sachet pa ang nakumpiska ng mga otoridad na aabot sa P1.1 million ang halaga.
Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang mga suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.