-- Advertisements --
sunog magallanes2
sunog magallanes

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa P1.1 milyon ang danyos sa naganap na sunog nitong alas 11:15 ng Lunes ng umaga sa Purok-4 at Purok-3, Barangay Poblacion, Magallanes, Agusan Del Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan kay SFO1 Joel Amodia sa Bureau Of Fire Protection o BFP-Magallanes, nilinaw nito na 9 na bahay ang totally damaged habang isa naman ang partially damaged.

Hindi naman bababa sa 15 na pamilya ang biktima nito. Ayon sa opisyal, patuloy ngayon ang kanilang imbestigasyon upang malaman ang pinagmulan ng apoy na pinaniniwalaang nagsimula sa ina-abandonang bahay.

Itinaas naman sa ikalawang alarma sa nasabing sunog kung saan 4 na mga firetruck ang rumesponde.