-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naaresto ng mga awtoridad ang mag-asawang drug dealer sa probinsya ng Cotabato.

Kinilala ang mga suspek na sina Jomar Sampulna at asawa niya na si Noraisa Sampulna at mga residente ng Sitio Galay Barangay Kibayao Carmen North Cotabato.

Ayon kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Maximo Layugan na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng Carmen PNP,602nd Brigade Philippine Army at PNP-SAF ang tahanan ng mga suspek.

Narekober sa loob ng bahay ng mag-asawa ang 175 gramos ng shabu na nagkakahalaga ng ;P1,190.000.00 milyon at cash na pera na P27,700.00.

Ang mga suspek ay sangkot sa large scale illegal drug trade sa North Cotabato at Maguindanao.

Ang mag-asawa ay dating nakatira sa Midsayap Cotabato at lumipat sa bayan ng Carmen nang mapansin nila na mainit na sila sa mga otoridad.

Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa costudial facility sa Carmen PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.