-- Advertisements --

Naglaan ng dagdag na alokasyon na aabot sa $25 million o katumbas ng P1.2 billion ang Asian Development Bank (ADB) para sa Pilipinas upang pondohan ang pagbili ng vaccines laban sa coronavirus disease (COVID-19) ngayong taon.

Ayon sa ADB ang financing ay magmumula sa $125 million Health System Enhancement to Address and Limit COVID-19 project, na inaprubahan ng noong nakalipas na taon.
Layon nito na makabayad ng advance ang Philippine government sa mga vaccine manufacturers upang matiyak ang pag-deliver ng mga bakuna.

ADB 2
ADB photo

Kaugnay nito, pinuri naman ni ADB President Masatsugu Asakawa ang Pilipinas dahil sa nalakas ang kampanya kontra sa pandemya sa pamamagitan nang pagpapaibayo sa testing, tracing, isolating, at gamutan sa mga COVID cases sa nakalipas na 10 buwan.

Kinilala rin ng ADB ang pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na makabuo ng COVID-19 vaccine road map na naglalayong mabakunahan ang nasa 60% hanggang sa 75% ng mga Pilipino mula sa ligtas na mga vaccine.

Dahil dito, liban sa P1.2 billion na pondo para sa Pilipinas pinag-iisipan na rin ng ADB ang dagdag pang ayuda na kukunin mula sa programang Asia Pacific Vaccine Access Facility (APVAX) na merong $9 billion para sa rehiyon ng Asya.

“The Philippines launched a comprehensive economic stimulus and healthcare support program following the surge in COVID-19 cases in April 2020. It has significantly improved its capacity in testing, tracing, isolating, and treating COVID-19 cases in the last 10 months. Vaccination is the next critical step to protect lives and promote livelihood opportunities,” ani Asakawa. “We stand ready to support the government in these unprecedented times and help the economy navigate back to its pre-pandemic growth path.”