-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nagpapatuloy ang imbestiasyon ng Bureau of Fire Protection-Pinili matapos masunog ang isang bahay sa Brgy. Puzol iti ili ti Pinili.

Ayon kay Senior Fire Office Reymundo Atud, ang chief operation team leader ng BFP Pinili, umabot na sa 1.2 million a pisos ang inisyal na naitalang halaga ng danyos sa nasunog na bahay na pag-aari ng pamilya Tamayo.

Aniya, base sa resulta ng paunang imbestigasyon, posibleng nagmula ang sunog sa master bedroom ng bahaoy matapos maiwan ang nakasaksak na cellphone.

Sinabi nito na dahil sa lakas ng apoy ay madali itong kumalat kung saan umabot ng higit 30 minuto ang pag-apula dito.

Kaugnay nito, ipinaalam ni Atud na walang naisalba na kahit anumang gamit ang pamilya at maswerteng walang nasaktan dahil umalis lahat ng miembro ng mangyari ang sunog.

Samantala, maliban sa pagkasunog ng nasabing bahay ay una ng naitala magkasunod na grassfire sa bayan ng Bacarra kung saan mahigit 50 metro ang lawak ng nasira.