-- Advertisements --

Nakalikon na ang Green Lane Services ng gobyerno ng aabot sa higit P1.2.trilyong ng invesntemnt ng wala pang isang taon.

Ayon kay Ernesto Delos Reyes Jr,director of the One-Stop Action Center for Strategic Investments, ang kanyang opisina ay nag-endorso ng 36 na proyekto hanggang sa kasalukuyan.

Ang pinakamalaki naman dito ay ang P163 -bilyong renewable energy ng isang Dutch firm na tinatawag na San Miguel Bay offshore wind power project.

Batay sa datos, ang pinakahuling inaprubahan na proyekto ay ang P 22.6-bilyong floating solar power project ng isang kumpanya sa Pantabangan, Nueva Ecija.

Paliwanag ni Delos Reyes na 28 sa mga proyektong ito ay nasa RE: floating solar, solar, onshore wind, offshore wind at geothermal.

Noong 2023 lamang, 23 proyekto ang inendorso na may kabuuang P498.91 bilyon, kung saan 16 ay renewable energy.

Kabilang rito ang floating solar, solar, onshore wind, offshore wind at geothermal.

Una rito, ang EO 18 ay nagtatag ng green lanes sa loob ng mga ahensya ng gobyerno.

Sa pamamagitan nito ay mapapabilis ang proseso ng pagbibigay ng mga permit at lisensya para sa strategic energy investments sa bansa.

Top