-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagkakahalaga ng P1.3 milyon ang nasamsam na shabu sa isang drug dealer na naaresto sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Nasrudin Minandang, 29, may asawa na residente ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Ayon kay Kat Abad tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-12) na nagsagawa sila ng buy bust operation sa National Highway Barangay Poblacion 8, Midsayap, Cotabato katuwang ang Midsayap PNP at 34th Infantry Battalion Philippine Army.

Nang iabot na ng suspek ang shabu sa PDEA asset ay doon na siya inaresto.

Nakumpiska kay Minandang ang tatlong malalaking pakete ng shabu na hindi bababa sa 200 grams at may street value na P1.36 million.

Kaugnay nito, nananawagan si PDEA 12 Regional Director Naravy Daquiatan sa mga sangkot sa illegal na droga na mas mainam na magbagong buhay upang hindi na mahuli o makulong.

Aniya, hindi titigil ang kanilang tanggapan katuwang ang ibang ahensya ng gobyerno na tugisin ang sinumang sangkot sa illegal na droga.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Midsayap PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.