-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nalambat ng mga otoridad ang isang drug dealer sa isinagawang buybust operation sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang suspek na si Amir Esmail Alim, 32 anyos,may asawa at residente ng Purok 2, Barangay Kalanganan II Cotabato City.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Jibin Bongcayao na nagsagawa ng anti-illegal drugs operation ang pinagsanib na pwersa ng PDEG SOU BAR, RSOG PDEA-BAR at Sultan Kudarat PNP sa bahagi ng Sitio Oman Crossing Simuay Sultan Kudarat Maguindanao.

Nang i-abot na ng suspek ang shabu sa PDEA-asset ay doon na sya inaresto.

Nakumpiska sa suspek ang 200 grams ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P1,360,000.00.

Nakuha rin sa posisyon ni Alim ang buy bust money, dalawang cellular phone, isang Honda XRM 125 at limang mga identification cards o ID ng suspek.

Pinuri naman ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional Director Bregadier General Eden Ugale ang operating units sa matagumpay nilang operasyon.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Sultan Kudarat MPS at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.