-- Advertisements --

Nag-alok ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte ng P1.3-million pabuya laban sa mga nasa likod ng pagpatay sa apat na pulis sa Ayungon, Negros Oriental.

Sa ambush interview kay Pangulong Duterte matapos ang kanyang State of the Nation Address sa Kamara, sinabi nitong dadagdagan nito ng P300,000 ang naunang alok na P1 million kung maiharap na patay ang utak ng pamamaslang sa mga pulis.

“Mas gusto kong patay sila. Kung patay sila magdagdag pa ako P300 [thousand] so its P1 million and 300 [thousand]. Just bring me the head of that idiot leader,” ani Pangulong Duterte.

Una ng napaulat na ang apat na pulis ay pinatay umano at tinorture ng mga miyembro ng nNew People’s Army (NPA) noong nakaraang Huwebes sa Ayungon.

Noong Sabado, dinalaw ni Pangulong Duterte ang burol ng mga pulis at iginawad ang Order of Lapu-Lapu Rank of Kalasag medal kina Police Cpl. Relebert Beronio at patrolmen Raffy Callao, Roel Cabellon at Marquino de Leon.