-- Advertisements --

CEBU CITY – Sa kulungan ang bagsak ng magkapatid na mula  sa third sex matapos itong mahulihan ng mahigit P1-million na halaga ng shabu sa Brgy. Sambag 2, sa lungsod ng Cebu.

Nahuli sa buy bust operation ang subject na si Israel Abella, 28, dating nurse; at ang kapatid nitong si Jhonas Abella, 20, at isang estudyante.

Ayon sa deputy chief ng Abellana Police Station na si P/Insp. Elston Dabon Jr., newly-identified ang nahuling drug personalities.

Nakuha sa magkapatid ng 200 grams ng shabu at nagkakahalaga ito ng P1.3 million.

Kakasuhan ang dalawa dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.