-- Advertisements --

DAVAO CITY – Sasampahan na ng kaso ngayong araw ang isang 34 anyos na lalaki kung saa nasa higit P1.3 halaga ng shabu ang narekober mula sa kanyag posisyon.

Una ng isinagawa ng mga personahe ng Bunawan PNP ang buy bust operation pasado alas otso kagabi sa isang Inn sa Matina Crossing nitong lungsod.

Ayon kay PMaj. Noel Villahermosa, Station Commander ng Bunawan PNP, nakilala ang suspek na si Ray John Dayot Fernando residente ng New Society Matina Village nitong lungsod.

Narekober mual sa posisyon ng suspek ang 9 na malalaking pakete ng illegal na druga na tumitimbang ng 200 grams at nagkakahalaga ng P1,360,000,00.

Kabilang ang suspek sa listahan ng mga High Value Target (HVT) ng otoridad at matagal ng minanmanan ng kapulisan sa kanyang illegal na aktibidad.

Nakakulong na ngayon sa Bunawan PNP ang suspetsado at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.