-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Naaresto ng mga otoridad ang dalawang big-time drug dealers sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nahuling suspek na sina Benjie Akmad Walas alyas Dats, 34 anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng Brgy. Simsiman, Pigcawayan; at Rahib Ebrahim Acob, 31-anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Kadingilan Pigcawayan.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-BARMM) Regional Director Juvinal Azurin na nagsagawa sila ng drug buybust operation sa Purok 6 Barangay Banucagon Pigcawayan North Cotabato katuwang ang mga tauhan ng PDEA-12,Military Intelligence Group (MIG-12) ISAFP,Charlie Company ng 34th Infantry Battalion Philippine Army at Pigcawayan MPS sa pmumuno ni Major Ivan Samoraga.

Nang akma nang i-abot ng mga suspek ang shabu sa asset ng PDEA ay doon na sila inaresto na at pinosasan.

Nakuha sa posisyon ng mga suspek ang 8 pakete ng pinaghihinalaang shabu na aabot sa 200 grams ang bigat na tinatayang nasa P1,380,000 ang halaga, isang kalibre.45 na pistola, isang magazine na naglalaman ng bala, P1.1-M na halaga ng marked money, isang Motoposh motorcycle at mga drug paraphernalia.

Sa ngayon ay nakapiit na ang mga suspek sa costudial facility ng Pigcawayan-PNP at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republict Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o comprehensive law on firearms and ammunition.