Binuwag ng mga awtoridad ang isang sindikato ng droga na nag ooperate sa lungsod ng Sarangani kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang miyembro nito sa isinagawang sa buy-bust operation sa Barangay Bula sa naturang lungsod.
Ayon kay Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, Police Regional Office-12 director, ang mga suspect ay kinilalang si Norhan Maulana, 35; Benjamin Unos, 47, at Noel Amenita, 47, parehong residente ng Kiamba, Sarangani.
Nakuha ng Regional Police Drug Enforcement Unit sa pag-iingat ng mga suspect ang 210 na gramo ng shabu.
Ito ay tinatayang nagkakahalaga ng aabot sa P1.4M .
Sinabi ni Macaraeg na ang mga suspek ay kabilang sa isang gang na kumukuha ng shabu mula sa Maguindanao at ipinamamahagi ang mga ito sa nasabing lugar pati na sa Sarangani.
Ang mga suspek ay isinailalim sa surveillance sa loob ng isang buwan kasunod ng intelligence reports ng kanilang mga aktibidad sa ilegal na droga.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong may kinalaman Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002