-- Advertisements --

Aabot sa P1.4 milyon halaga ng kush o high-grade marijuana ang nakumpiska ng mga otoridad sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Naaresto ang lalaking tatanggap sana ng package na galing sa Illinois, USA.

Base sa imbestigasyon, isinilid ang droga sa mga iba’t-ibang pagkain.

Nang buksan ang nasabing bagahe ay tumambad ang 3.4 kilos na kush.

Mula pa noong Abril ay mayroon ng 15 drug bust ang matagumpay na naisagawa ng Airport customs.