LEGAZPI CITY – Naibigay na ang Department of Agriculture ang financial assistance para sa mga hog raisers na naapektohan ng outbreak ng African Swine Fever sa bayan ng Labo sa Camarines Norte.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Lovella Guarin ang tagapagsalita ng Department of Agriculture Bicol, nasa P1.5 milyon ang inilabas na pondo ng ahensya na mula sa kanilang quick response fund.
Nasa tig-P5,000 sa bawat isang baboy ang ibinigay na tulong sa 60 hog raisers na naapektohan ng isinagawang depopulation.
Upang maiwasan ang pagkalat pa ng African Swine Fever, naglagay na ng mga checkpoints at ipinagbawal na muna ang paglabas ng mga baboy at karne mula sa bayan
Panawagan ng opisyal sa publiko na makipagtulongan sa isinasagawang kampanya laban sa African Swine Fever upang hindi na makaapekto sa suplay ng karneng baboy sa rehiyon.