-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Bahagi ito ng P42 Milyon na pondo bilang suporta ng provincial government sa mga bakwit ng lindol noong nakalaipas na taon.

Kasama ni Governor Nancy Catamco sa ginawang aktibidad sina Cotabato Police Provincial Director Colonel Henry Villar, Board member Krista Piñol-Solis, PSWDO Mercy Foronda at 27th Infantry Battalion Commander Lt Col. Victorino Seño.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng tig P10,000.00 ang bawat pamilya bilang bahagi ng suporta na iginawad ng Provincial Government sa mga apektado ng lindol sa dalawang barangay.

Ang 151 na pamilya ay siya ring kinilalang benipisyaryo ng housing program ng National Housing Authority dahil ang mga ito ay namumuhay sa kinikilalalang no-build zone o high risk area batay sa guidelines ng Mines and Geoscience Bureau (MGB).

Nakiisa rin sa aktibidad ang municipal officials ng Arakan at naghayag ng pasasalamat si Municipal Councilor Rhea Gayatin at Dondon Bunsuran.

Emosyunal ang mga residente ng Libertad at Ganatan sa personal na pagdalaw ng Gobernador na nagpasalamat sa kanya sa lahat ng tulong na kanilang natanggap.

Kabilang na dito ang pamamahagi rin ng mga binhi ng mais at abono na dala naman ni Provincial Agriculturist Sustenes Balanag.