Aabot sa halagang 1.6 milyon pesos ang iaabot na tulong ng probinsya ng Agusan del Norte para sa mga biktima ng lindol sa Central Mindanao. Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay Erma Suyo hepe ng PDRRMO Agusan del Norte, naipadala na ang nagkakahalagang 600-libong peso na mga family food packs at iba pang non food relief goods mula sa 10 mga bayan ng Agusan del Norte para sa tatlong bayan ng Makilala, Tulunan at Magpet na apektado ng lindol.
Maliban sa food and non food relief items aabot naman sa P1-m ang ipapabot na tulong ng probinsya sa bayan ng Makilala at Tulunan.
Ayon kay Suyo ang ipinadalang relief goods ay mula sa mamamayn ng Agusan del Norte kung saan ay mantra nitong lalawigan na “we will prepare as one province, we will response as one province”.
Samantala nakatakda namang magpapadala ng tulong ang Cabadbaran City sa susunod na mga araw at inaasahang ang mga iahahatid na tulong sa opisina ng PDRRMO at isasabay sa biyahe nito. Kaya’t panawagan ng opisyal sa publiko sa gustong magbigay ng mga kumot, trapal, mosquito net, damit at iba pang mga pangangailangan ng biktima ng lindol na dalhin lang sa kanilang tanggapan sa Agusan del Norte. Provincial Capitol.