-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nilimas ng isang security guard ang koleksyon ng isang kooperatiba sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang suspek na si Ariel Bernabe na residente ng Barangay Kalawag 2 Isulan Sultan Kudarat.
Ayon kay Tacurong City Chief of Police Lieutenant Colonel Joan Maganto na natuklasan na lamang ng mga kawani ng Sultan Kudarat Electric Cooperative (SUKELCO) sa Tacurong City na nawawala na ang kanilang koleksyon at kinulimbat ng kanilang sekyu na nagkakahalaga ng P1,611,280.
Nakita sa CCTV footages ang ginawa ng suspek, Isinilid nito ang pera sa isang bag at tumakas.
Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng mga pulis ang suspek at pormal ng sinampahan ng kaso.