-- Advertisements --

Tumaas sa P1.6 trillion ang binayarang utang ng gobyerno ng Pilipinas noong 2023.

Mas mataas ito ng 24% kumpara sa P1.29 trillion na binayaran noong 2022.

Ayon sa data mula sa Bureau of Treasury, tumaas ang binayarang amortization at interest ng Marcos administration.

Kung saan bulto ng binayarang halaga ay ang amortization sa domestic at foreign na nasa P975 billion, tumaas ito ng 19% mula sa, P790 billion na binayaran noong 2022.

Lumobo din ang binayarang interest sa domestic creditors at foreign financiers sa P628 billion, 25% ang itinaas mula sa P502 billion noong 2022.

Matatandaan na pumalo sa record high na P14.62 trillion ang utang ng gobyerno noong 2023, ito ay 9% na mas mataas kumpara sa P13.18 trillion na naitala noong 2022.