-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Umaabot sa P1.7 milyon ang halaga ng iligal na droga na nakumpiska ng mga otoridad mula sa limang drug personality sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. Bibincahan, East District, Sorsogon.

Kinilala ang mga nahuling suspek na sina Ilann Ralph Geraldino na taga-Bulan, Sorsogon at sina Armando Beltran, Danvir Miraflores, Elwood Lacasa, at Dan Joseph Lacuesta na mula sa Nueva Ecija.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay PCol. Arturo Brual, provincial director ng Sorsogon Police Provincial Office, matagal na nilang sinusubaybayan si Geraldino na bigtime supplier ng illigal na droga sa lugar at nakikipagtransaksyon sa mga dayuhang trucker.

Hanggang sa maikasa ang buy bust operation kung saan nakuha mula sa suspek ang 12 sachet ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 250 grams at nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

Sa ngayon nakakulong na limang suspek at nakatakda ng sampahan ng kaukolang kaso.