-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY- Sinampahan na ng kaso ang isang lalake matapos maaresto dahil sa sa P1.7 million na halaga ng shabu.
Ayon kay P/Lt. Col. Joseph Forro, chief of police ng Polomolok, Municipal Police Station na naaresto sa drug-bust operation Rey Caspillo alyas Nonoy, 36 years old, mat asawa , magsasaka na taga Bo.3, Barangay Rizal, Banga, South Cotabato.
Ang buybust operation ay isinagawa sa Purok 1, Barangay Glamang, Polomolok, South Cotabato.
Sa naturang operasyon ang poseur buyer ay nakabili ng dalawangmedium sized na sachet na pinaniniwalaang shabu na may 10 grams ang bigat.
Pero narekober sa kanyang posession ang limang malalaking sachets ng shabu na may bigat na 250 grams na nagkakahalaga ng
P1.7 million.