Naniniwala ang mga Kongresista na ang pagpasok umano ng P1.7 trilyong investment sa Pilipinas noong 2023 ay isang patunay na mataas ang kumpiyansa ng mga mamumuhunan sa Pilipinas at sa liderato ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ito ang sinabi nina House Assistant Majority Leaders Amparo Maria “Pammy” Zamora (Taguig City, 2nd District) at Mikaela Angela “Mika” Suansing (Nueva Ecija, 1st District) at Deputy Majority Leaders Jude Acidre (TINGOG Partylist) at Faustino “Inno” Dy (Isabela, 6th District).
Para kay Zamora ang P1.7 trilyong pamumuhunan sa Piliipinas na naaprubahan noong 2023 ay mistulang sagot sa mga kritiko ng mga biyahe sa ibang bansa ng Pangulo.
Sumang-ayon naman si Suansing na nagsabing ang Pilipinas ay isa ngayong “economic superstar” sa international community.
Binanggit ni Suansing ang ilan sa mga biyahe ng Pangulo sa ibang bansa gaya ng US, Japan, at World Economic Forum sa Davos.
Sinabi ni Suansing na sila sa Kamara, kanilang isinusulong ang pag-amyenda sa RBH No 7 charter reforms ng sa gayon gawing mas madali ang pagbubukas ng negosyo sa bansa.
Ayon naman kay Rep. Dy ang halaga ng investment na inaprubahan noong 2023 ay patunay na ang Pilipinas ay bukas para sa pagnenegosyo.