-- Advertisements --
image 666

Naglaan ang Marcos administration ng P1.737 billion sa ilalim ng pambansang pondo para ngayong taon para sa modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa isang statement, sinabi ng DBM na ang naturang pondo ay gagamitin para sa pagbili at pagpapaganda ng mga pasilidad, pagbili ng fire trucks, personal protective equipment, at emergency and rescue equipment.

Sa naturang halaga, sinabi ng DBM na P737 million ang inilaan sa BFP specific budget sa ilalim ng Fiscal Year 2023 General Appropriations Act (GAA).

Ang bulto naman o P1 billion ng kinakailangang pondo ay kukunin mula sa 80% ng mga buwis, fees, at multang nakolekta alinsunod sa Fire Code of the Philippines.

Layunin nito na matulungang maging equip ang mga bombero at bilang pagkilala kung gaano kahalaga ang mga ito sa lipunan bilang tagasalba ng buhay sa tuwing may mga kalamidad at emergencies.

Kasabay na rin ito ng pag-obserba ng Fire Prevention Month tuwing Marso kada taon alinsunod sa Presidential Proclamation No. 115-A.