Aabot sa P1.8 billion halaga ng iligal na shabu sa Manila International Container Port.
Isinagawa ang operasyon ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) nitong Biyernes matapos na itimbre ng mga opisyal ng Vietnam.
Sinabi ni PDEA chief Aaron Aquino, matapos makumpirma ang impormasyon mula sa Vietnam na may droga na lulan ng Callo Bridge mula Ho Chi Minh City.
Ang nasabing cargo ay nakapangalan sa Wealth Lotur Empire Corporation.
Dagdag pa ni Aquino na gaya ng nauna nilang operasyon ay nakabalot din sa Chinese tea wrapper ang mga droga.
Umabot din sa 300 kilos ng shabu rin ang nakumpiska ng mga otoridad sa Vietnam sa Ho Chi Minh City mula sa drug ring na pinapatakbo ng Chinese national na nagpanggap bilang textile company.