Tinatayang aabot sa P1.85 billion ang halaga ng pinsala sa ginawang pag atake ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa isang planta sa Davao.
Ayon kay MGen. Rafael Valencia, Commanding General ng 10th Infantry Division kabilang sa mga na-damage ay mga equipment at ang planta sa paggawa ng mga kahon kung saan nilalagay ang mga saging.
Sinabi ni Valencia na malaki ang epekto lalo na sa mga manggagawa ang ginawang pag atake ng NPA, lalo na sa mga indibidwal na sangkot sa banana industry dahil duon sila bumibili ng mga kahon at plastic kung saan inilalagay ang kanilang mga produktong saging.
Naniniwala ang militar na nais ng rebeldeng NPA na sirain ang imahe ng Davao lalo na sa mga investors.
Dahil dito may mga hakbang ng ginagawa ang militar partikular ang 10th Infantry Division ng sa gayon hindi na maulit pa ang ginawang pagsalakay sa Lapanday Corporation.
Pagtiyak naman ni Valencia na suportado ng militar ang hakbang ng pamahalaan lalo na ang usaping pangkapayapaan sa CPP-NPA-NDF.