CAGAYAN DE ORO CITY – Pinapalakas pa ng Department of Tourism (DoT) ang public-private stakeholder partnership upang mas lalo pang makilala ang kultura,tradisyon at maayos na pakikitungo ng mga lahing Pinoy sa harap ng global tourism.
Patungkol ito sa pino-promote pa na tourists attractions at ibang mga programang turismo na nai-showcase nang masyado ng magkaibang tourism offices sa kada-rehiyon ng bansa.
Ginawa ni DoT Secretary Maria Christina Frasco ang pahayag dahil sa positibo umanong pagtanggap ng global tourists na bumisita sa Pilipinas at naging bukang-bibig ang kanilang kanya-kanyang karanasan pagbalik sa kanilang bansa.
Ito ang dahilan na dapat hindi maakyasa ang ganitong pagkakataon lalo pa’t palaban ang tatak-Pilipinas na turismo sa ibang bahagi ng mundo.
Katunayan,nakapagbigay ng trabaho ang pinalakas na turismo sa 5.25 milyon na mga kababayan at nakapag-ambag ng nasa 1.87 trillion pesos na tourism revenue para sa pangkabuuan na ekonomiya ng bansa.