-- Advertisements --

Nasa P1.9 billion pondo ang ipinanukala ng Department of Agriculture (DA) para Biofertilizer program para sa susunod na taon.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Leocadio Sebastian kanila ng isasama sa rice program ng pamahalaan ang paggamit ng bio fertlizers na siyang unang hakbang patungo sa green technology ng bansa.

Sinabi ni Sebastian na sa pagsapit ng 2024 magiging voucher na ang pondong ito.

Ibig sabihin hindi na magkakaroon ng bidding para sa biofertilizers, kundi voucher na ang gagamitin ng mga magsasaka at sila na ang pipili kung anong klaseng bio fertilizers ang gusto nilang gamitin.

Binigyang-diin ni Sebastian na ang paggamit ng bio fertilizers ang gustong ipalaganap ngayon ng pamahalaan para mapataas ang produksyon ng bigas.

Kapag nagtuloy tuloy aniya ang paggamit ng bio fertilizers, posibleng mabawasan na ang paggamit ng inorganic fertilizers tulad ng urea na napakamahal aniya ng presyo sa global market.

Dagdag pa ni Sebastian na dahil bagsak ang kalusugan ng lupa, dahilan na isinusulong ng ahensiya ang balanced fertlization.

” We do not want to just continue with the usual programs of providing iyong mga synthetic fertilizer kasi marami na ang kakulangan hindi nga lang iyong NPK iyong Nitrogen, Phosphorous, Potassium. Marami na ring kakulangan ng micronutrients,” pahayag ni Usec. Sebastian.