-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pormal ng ibinigay ni Department of Labor and Employment (DOLE-12) Regional Director Raymundo Agravante kay 3rd District Representative Ma. Alana Samantha Taliño Santos bilang kinatawan ni Governor Emmylou “Lala” Taliño-Mendoza ang tsekeng nagkakahalaga ng mahigit 1.9M pesos sa pamahalaang panlalawigan ng Cotabato sa Provincial Governor’s Office, Provincial Capitol, Amas, Kidapawan City.

Ito ay handog ng DOLE XII sa ilalim ng kanilang programang Tulong Panghanapbuhay sa ating mga Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) sa mahigit 508 na mga benepisyaryo mula sa mga bayan ng Midsayap, Aleosan, Matalam, Libungan at Pigcawayan.

Ang pamamahagi na nakatakdang gawin sa susunod na taon ay pangungunahan ni Governor Mendoza kung saan ang bawat isa ay makakatanggap ng tig 3,680 pesos.

Kasama ni Congresswoman Santos na tumanggap sa nasabing tseke sina Board Member Jonathan Tabara at DOLE Cotabato Provincial Director Marjorie Latoja.