-- Advertisements --

Iminungkahi ni Senate committee on finance chairman Sen. Sonny Angara na gamitin na ang P1 billion calamity fund para maagapan ang epekto ng African swine fever (ASF) sa ating bansa.

Ayon kay Angara, maituturing nang kalamidad ang problemang dala ng ASF, mula sa hog raisers at iba pang umaasa sa swine industry.

Kailangan lang umanong maging maayos ang pag-release ng pondo upang hindi iyon maabuso.

Giit ni Angara, kapag hindi nagawan ng paraan para mapigilan ang pagkalat ng ASF, baka mas malala ang sapitin ng ating mga kababayang nagtataguyod ng pagbababoy sa Pilipinas.