-- Advertisements --

Aprubado na ng Pang. Rodrido Duterte ang pagbili ng nasa P1 billion na mga bagong firefighting equipment.

Ito ang inanunsiyo ng bagong talagang DILG Officer-in-charge Sec. Eduardo Año sa pag-assume nito sa kaniyang bagong pwesto ngayong araw kung saan pinalitan nito si Usec Catalino Cuy, na inappoint ng pangulo bilang chairman ng Dangerous Drugs Board kapalit ni retired Gen. Dionisio Santiago.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Ano na ang improvement ng equipment at mga facilities ng mga frontline agencies na nasa ilalim ng DILG tulad ng PNP, BJMP at BFP ang isa sa kanyang mga pagtutuuan ng pansin.

Tiniyak ni Añona ibibigay niya ang lahat ng resources sa mga ahensyang ito para magampanan nila ng mas mahusay ang kanilang tungkulin, kapalit ng mas-striktong accountability sa kanilang trabaho.

Nagpasalamat si Ano sa Pangulo sa P1B pondong pambili ng mga bagong World-Class firefighting equipment na kinabibilangan ng 2,500 gallon firetrucks.

Ito aniya ay malaking tulong sa paghahatid ng mas episyenteng serbisyo sa mga mamamayan.