-- Advertisements --
Inilabas na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1-bilyon na halaga ng compensation sa mga biktima ng Marawi seige.
Ayon sa DBM na ang Special Allotment Release Order (SARO) ay para sa 574 benepesaryo.
Manggagaling ang nasabing pondo sa 2024 General Appropriations Act.
Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na ang nasabing halaga ay tax-free na isang malaking tulong para makabangon ang mga biktima ng Marawi seige.
Magugunitang noont Mayo 23, 2017 ng nilusob ng Maute group ang Marawi kung saan ilang mga residente ang ginawa nilang hostage.
Natapos lamang ang kaguluhan noong Oktubre ng nasabing taon na nagdulot ng malawakang pagkasira ng gusali at kabahayan.