-- Advertisements --

Inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1 billion pondo para sa pagtatayo ng Child Development Centers (CDCs) sa mga mababang income na local government units (LGUs) sa buong bansa.

Ang hakbang ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mag-invest sa edukasyon at pag-unlad sa human capital development kung saan pinangunahan din nito ang seremonya ng paglagda ng joint memorandum circular sa Malacañang noong Abril 3.

Ayon sa Pangulo, ang mga CDC ay magbibigay ng matibay na pundasyon sa mga bata na magpapaigting sa pundasyon ng bansa.

Makikinabang dito ang 328 na mga Barangay, kabilang ang 89 sa Luzon, 106 sa Visayas, at 133 sa Mindanao, kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang CDC din ay magsisilbing sentro ng mga programang pang-edukasyon, suporta sa pamilya, at early learning programs ng mga bata, na magiging mahalaga sa paghahanda ng mga ito bago pumasok sa paaralan.