-- Advertisements --

Papalo sa mahigit P1 ang inaasahang dagdag sa presyo ng diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Ayon sa ilang mga taga-industriya, maglalaro sa P1.20 hanggang P1.30 ang umento sa kada litro ng diesel.

Sisipa naman sa P1.10 hanggang P1.20 ang inaasahang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Habang ang gasolina, may inaasahang pagtaas na P0.75 hanggang P0.85 kada litro.

Ayon sa mga eksperto, malaki ang pagbaba sa imbentaryo ng langis sa Estados Unidos, at nabawasan ang produksyon ng langis sa Saudi Arabia.