CAUAYAN CITY – Umabot sa P1 Million halaga ng pinsala sa tatlong bahay na tinupok ng apoy 10:30 Linggo ng gabi sa District 1.
Napagalaman na ang tatlong bahay ay pagmamay-ari nina Natividad Abalos, Regina Alvarez, Erwin Dumelod.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan nakatanggap ng tawag ang kawanihan ng pamatay sunog o BFP cauayan mula sa isang concerned citizen kaugnay sa nasusunog na bahay sa nabangit na lugar.
Sa pagtugon nila ay nadatnan nilang nasusunog na ang mga bahay.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chief Insp. Aristotle Atal City Fire Marshall, sinabi niya na bagamat mablis ang kanilang pag responde ay nahirapan silang makapasok sa eskinita patungo sa mismong lugar kung saan naganap ang sunog.
Maliliit na fire truck lamang ng mga fire volunteer ang nakapasok at dahil sa layo ay humina ang kanilang water pressure na nagsanhi sa matagal na pagkakaapula ng apoy.
Umabot pa sa ikalawang alarma ang sunog kaya kinailangan nila ng tulong mula sa mga kawani ng pamatay sunog ng mga karatig bayan.
Samantala sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ewin Domelod isa sa mga biktima, hinihinalang nagsimula ang sunog sa katabi nilang bahay.
Hindi nila na isalba ang karamihan sa kanilang mga kagamitan maliban sa ilang alahas.
lumalabas naman sa pagsisiyasat ng BFP cauayan na isang electric stove ang maaaring pinagmulan ng sunog.
Posible umanong naiwang naka sindi ang electric stove sa bahay ni Natividad Abalos.