DAVAO CITY – Hinigpitan pa ngayon ng Digos PNP ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga.
Una nito, patay ang dalawang indibidwal sa isinagawang drug buy bust operation matapos manlaban umano sa kapulisan at narekober narekober ang higit isang milyong piso.
Nakilala ang mga supek na sina alyas Sheka, 23, dalaga at residente sa nasabing lugar kung saan dead on arrival ang isang alyas to 30, pati na ang kasamahan nito.
Nagkakahalaga umano ng P1,350,000 o tumitimbang ng 90 grams ang narekober na shabu mula sa mga ito sa kasagsagan ng operasyon na isinagawa sa Chapter 9, Brgy. Aplaya.
Napansin ng mga suspek na otoridad ang kanilang katransaksiyon dahilan kaya bumunot ito ng kanyang armas ngunit naunahan ito ng mga otoridad.
Narekober sa crime scene ang isang .38 revolver na may lima mga bala.
Nakuha rin sa crime scene ang limang mga bala na mula sa 9MM pistola, dalawang metallic fragments at isang tingga.
Sinasabing sa 32 na mga assorted heat sealed transparent plastic sachets na pinaniniwalaang shabu at mga drug paraphernalia ay meron ding P1,760 ang nakuha ng mga otoridad.
Samantala ang babae na nahuli na si alyas Sheka ay mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Anti-dangerous Drugs Act na nasa kustodiya na ngayon ng kapulisan.